Friday, February 24, 2006

accomplishment

finally, one major accomplishment..
measurement ng gown ko at barong ni Rudolf..hehe! major na sa akin yan..at least alam ko na may sususutin kami sa wedding namin..

actually, we scheduled it last sunday but prescy was out of town pa..kanina since papunta na rin kami sa divisoria..sabi ko daan na kami dun sa mananahi..so ayun..less one isipin na rin sa amin yun..i like Rudolf's barong..ethnic daw style nun..handmade ang embroidery..tama lang sa theme namin na filipiniana..una kasi he likes chinese collar and chinese button....helloooo! e di magkaiba kami ng theme ...:) napapayag naman namin dun sa design..

we really have so much to do pa talaga...please continue praying for us..

sa lahat ng mga tumutulong sa amin..

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!!!

Monday, February 20, 2006

mahaba-habang post

February 20, 2006

hello everyone! (as if naman marami nagbabasa nito) super tagal ko mag-update no?aski ako minsan ayoko na bisitahin blog ko kasi la naman bago..hehe! so para naman may mabasa akong bago..eto na bgong entry..

I was super down last week...ngarag..stress...pagod..pressured..sama-sama na..sa buong isang linggo..3 beses ata kami nag-away ni dolf..but we make sure na hindi talaga nag-tatagal..thank you so much sa counselling namin with PAstor Boying every Monday night...big help talaga.

Di kami natuloy umuwi sa Nueva..di pa rin kami nakakakuha ng license (because of me) di kasi ako maka leave.iniisip ko pagsabayin na lang pag uwi namin..mas madali kasi kung dun na lang kami magpa-file..walang masyado requirements na hihingin..since sa probinsiya magkakakilala halos mga tao.. saka may friend ako na nag-wo-work dun, sabi niya puntahan ko daw siya..pero yung mga taong nakapaligid sa'min..super tanong na.."wala pa kayong license? naku! asikasuhin nyo na yan..malapit na April"..i know..i know...i know..UGH! di ba mas lalo nakaka pressure..yeah..concerned lang sila talaga.

I'm letting go of my cake design (hu!hu!hu!) I'm getting the cake na kasama sa package ng caterer..budget wise..para mas marami kami ma-invite..

last Saturday super blessing day sa amin ni dolf..natanggap na namin yung money for the cake (sana) from jerlyn..she's aware naman na will add it na lang sa reception payment..Thanks jerlyn!! YOU ARE INDEED A BLESSING!

at kasabay nun..we got the money also from Kuya Joshua for Rudolf's barong and shoes? Isn't GOD GREAT? along with the money is the note that reads like this;

Rudolf/Raquel,

Here's our personal gift for your wedding..umpisa pa lang ito..marami pang kasunod..pray for it..claim it!!!

Kuya Joshua & Ate Anne

and I know it's true.. we claimed it In Jesus Name..
this wedding will be a showcase of God's love and power..and people will glorify Him alone.

T-SHIRT PRINTING

malaki-laki na isinasakit ng ulo ko dito..hehe! pero alam kong blessing din ito ng Lord..i am confident na we will be able to finish lahat within the week...so we can go on with the wedding preps..medyo pagod na rin si rudolf kahit may mga tao..plus pine-pressure ko pa sila..this really is a step of faith,,nag start lang kami sa maliit but God wants us to venture na sa malakihang production na.

BRIDAL FAIR AND SHOES

kahapon after the service..we went to Mega mall..silip lang sa bridal fair..dami supplier, am not looking naman na for any since may mga supplier na halos kami..lumibot lang talaga. tapos we bought Rudolf's shoes na rin..susme! sumakit ang paa ko..ang tagal umikot..pero finally may nabili din siya, which i think is a good find..pasok sa budget, maganda at mukang matibay naman..thanks again kuya Josh & Ate Anne!

sige na po..gotta go na..tapos na yata lunch break..hehe!!




February 10, 2006 (Friday)

It’s 2 days after my birthday..long celebration kasi Tuesday pa lang nagcelebrate na kami with the engaged couples in the church since every first Tuesday of the month yung discipleship namin..kagabi we celebrated it sa center with the young professionals..konti lang kami but it’s ok though..I cooked “macaroni and cheese” for the first time..ni research ko pa yung recipe sa internet..of course nasarapan silang lahat..

Takot lang nila sa’kin..hehe! sa Saturday we’re planning to celebrate it with the “batang krayola” kids at maricaban…I’m repeating the macaroni plus isip na lang siguro ako ng iba pa..this birthday is so memorable coz this would be my last as a single..and memorable because of the ring..yup…2 months before our wedding and Rudolf bought me a ring..sabi ko nga sa kanya sana you asked me..”will you marry me?” hehe! and a part of the card he gave me says..”mas lalo kong natututunang lumapit sa Panginoon ng maging ganap akong responsable bilang magiging asawa mo”. Siempre super touch ako…alam ko marami pa siyang pagdadaanan..and he’s learning fast..he’s been maturing since day 1 of our being together..Praise God!

Ako naman..as a gift to myself..I bought a book and a notebook finally..matagal ko na gusto bumili ng bagong journal..kasi di nako nakakapagsulat lately because wala na ko masulatan..ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na bumili.. the book is “Help, I’m getting married” a manual for pastors, couples and wedding coordinators by Dr. Eli Javier.It’s a good book lalo na if you’re just thinking of getting married..very beneficial kasi all the basics you need in preparation..pati governement requirement and may mga sample program pa.. Ipapahiram ko sa inyo yun..carmel, tata, jerlyn at kung sino pa man jan ang nagpa-planong mgpakasal na.

WAAAAAH!!! Wala pa rin kaming marriage license..we really need to do this na. Ang problema di ako maka leave..we scheduled it again (for the nth time) on the 17th..at kahit ano mangyari itutuloy ko na ito..after naming kumuha..deretso na kami uwi ng nueva ecija..to look for the following supplier..cake..make –up artist and check again the reception venue,hopefully makapagbayad na rin kami ng downpayment at baka sakaling makatawad pa. Hehe!

Our guestlist is blowing up & up & up…from 116 nasa 159 na kami ngayon..eh ang maximum lang namin 150..better kung mas less pa..I really do not want a big wedding, I want it to be as intimate as it can be sana..i have to sit-down and discuss this with Rudolf..para malaman namin kung sino ba talaga dun yung pwede naming hindi na lang I-invite..anyway,tatay and nanay will prepare din naman sa house..haay! doble pa reception namin.

We’re really, really out on a budget na but I am TRUSTING MY GOD. Everything will be alright
.