Friday, May 19, 2006

Our Tagalog wedding vows

just sharing our wedding vows..this made me cry during the wedding and everytime i got to read this..it's the same feeling..i know God is our witness,i am so much sure of that..HIS love and the love we shared as husband and wife is so assuring.

Ang Aming Sumpaan
RUDOLF

Raquel, hawakan mo ang aking mga kamay, upang makita mo ang bawat alay nito para sa’yo.

Mga kamay na hahawak sa’yo simula sa araw ng ating pag-iisang dibdib,bilang pangako ko na mamahalin kita sa lahat ng araw ng aking buhay.

Ang mga kamay na hahawak sa’yo ng buong kagalakan sa araw na bigyan tayo ng pagpapala ng Diyos ng una nating supling at hahawak sa kanya ng buong pag-iingat sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ang mga kamay na maaring magtamo ng mga sugat sa pag-aayos ng ating tahanan para lamang guminhawa ang iyong pakiramdam.

Mga kamay na magbibigay ng buong kakayanan upang matugunan ang pangangailangan ng ating magiging pamilya, mga kamay na magaalaga at aakay sa ating mga magiging anak patungo sa landas na nais sa kanila ng ating Panginoon.

Mga kamay na mag-aalaga sa iyo sa paglipas ng panahon,at sa panahon ng pagtangis ay siyang pupunas ng mga luha sa iyong mga mata,maging ito’y luha ng kalungkutan o kagalakan.

Mga kamay na magbibigay sa’yo ng kaaliwan sa oras ng iyong karamdaman at sa mga oras na may pagkatakot sa iyong isipan.

Sa mga kamay na ito ay makakasiguro ka na may nagmamahal sa’yo at makakasama mo bilang saksi sa iyong buhay..
At sa ating sumpaan, saksi natin ang Panginoon.
RAQUEL

Rudolf, narito ang aking mga kamay masdan mo upang makita mo ang kanilang mga regalo sa’yo.

Ito ang kamay ng iyong matalik na kaibigan,na humahawak sa kamay mo ngayong araw ng ating pag-iisang dibdib habang ipinapangako ko sa’yo ang aking pagibig at pagtatalaga ng aking sarili sa lahat ng araw ng aking buhay.

Ito ang mga kamay na hahawak ng maingat at ng buong pagmamahal sa ating mga magiging anak, aaliw at magpapagaan sa kanilang kalooban sa mga oras ng karamdaman at sakit, susuporta at magpapalakas ng kanilang loob sa kanilang pag laki at magbibigay laya sa kanila sa tamang panahon.

Ito ang mga kamay na mag aalis ng iyong pagod at magbibigay sa’yo ng kaaliwan pag ikaw ay may karamdaman at makikiramay sa’yo sa panahong ika’y magdadalamhati.

Ito ang mga kamay na hahawak sa’yo ng mahigpit sa pagdaan natin sa mga pagsubok sa buhay may asawa, mga kamay na hahawak sa’yo ng may kagalakan at pag-asa,magmamahal at mag-aalaga sa’yo sa pagdaan ng bawat panahon.

Ito ang mga kamay na susuporta at mag e-encourage sa’yo para abutin ang iyong mga pangrarap.

Ito ang mga kamay na magsisislbing patunay ng aking pag-ibig bilang saksi sa iyong buhay.

At sa ating sumpaan saksi natin ang Panginoon.


Side kwento:

1. the last part was also written in our invites..we got it from 1 Samuel 21 :23.
2. sis MEC-again thank you for sharing/minsan natatawa ako sa translation namin..:)
3. for those of you wants to see an English version of this, just visit Mec's blog.
4. We have several copies of vows nung sinusulat namin to..and made several drafts too, pero eto nagustuhan namin pareho.
5. Di ko matagalog ng maayos ang "encourage"

Thursday, May 18, 2006

oh no...

it's been forever.. i miss blogging..maybe when i have all the time and sorted things out..i'll write soon..utang muna wedding kwento..haaay!!!

but for those of you guys who want to see some wedding pics, i've posted it here ;

http://photos.yahoo.com/rocks_2000_ph

bye!!!!