Wednesday, May 30, 2007

our banaue-sagada trip



This was actually last December pa, we went to Banaue and Sagada for a 4 day retreat, after a lot of pains and hurts emotionally-(a different story)..finally natuloy kami umalis with all the LJBC Interns plus me and Jerlyn of course.

Sa Sumaguing Cave..where I nearly collapse..kala ko talaga magpa-pass out ako..di kinaya ng powers ko.



 na enjoy namin ang fire place sa bahay ni manong arthur!



Kiltepan View :)


Tuesday, May 29, 2007

baby news?? none yet

it's been a year and a month...and I would honestly admit na I have mix feelings about it..Para kasing feeling ko ok lang sa'kin If God won't give us a child of our own as a gift..and I know it's the same din with Rudolf..we will enjoy each other na lang talaga and siempre once in a while may mga kids naman kaming inaalagaan.. pero a part of me is wishing and hoping na sana kahit isa lang..bigyan kami ni Lord.

Last March, we consulted an OB and as expected I have a problem..t'was PCOS (polycystic Ovarian Syndrome) not so rare and very common na daw ito..but it's still a sad news..don't wanna elaborate about it..basta it's a hormonal imbalance that makes it hard for me to conceive..hard but not impossible at least.

Anyway, being "pasaway" that I am..hindi pa ko bumalik sa OB since then..I still have to submit myself for a PAPSMEAR test..and then more test and ek-ek which the Ob explained..sobrang madami dapat gawin sabi tuloy ni Rudolf..hindi kaya tayo na ang sumasagot sa prayers natin?..may punto sha di ba? pero I know I have to go back to my OB..sana this June..maasikaso ko na..sana I could muster some lakas ng loob to submit myself for a series of tests pa..mind you..trips to OB are not so fun.

Right now, we're enjoying and hoping and praying..pero siempre whatever God's will is..we will just obey..anyway God knows what is best for us.

Friday, May 25, 2007

10 months of no blogging

and we're one year married! wohhoo! actually it was last month pa..April 21,It was a Friday so we had a wonderful weekend together...we celebrated it here lang din in the city since we cannot afford to go out on a Saturday due to committments but nonetheless, we enjoyed it..just the two of us..we really treasured it kasi that month may 2 kids na nagbabakasyon sa'min eh. :)

I can say we're still on the adjustment period pero small adjustments na lang..

I am now used to waking up beside him..and of course sleeping beside him.

I am now used in doing the grocery mostly on Fridays with him.

of course like ordinary couples we had troubles and fights too...but I guess those made our love stronger and our faith as well.

I have lots of kwentos, i'll just organized it in my mind and will start writing some soon.

God bless!

Saturday, August 5, 2006

on to the 4th month anniversary

yes..sa August 21, 4th month na namin..

right now-am so happy being with rudolf, yung love na pinapakita nya na hindi nya pinakita when we were still bf/gf..i'm experinecing it all now, and everyday of my life, i'm falling in love with him over and over again.

yun ang kaganadahan ng walang best foot forward during those "ligawan" or dating times, kasi mas masarap ang feeling na..wow! eto pala..di ko naiisip dati na he could be so caring and loving like what he does now..i'm just so blessed.

so far..no baby news yet, and everybody as in pag nakita ko..lahat nagtatanong.."wala pa?" pointing to my tummy...haay! 4 months pa lang po kami kasal no? sabagay, nun ngang 2nd week or 1 month ata after namin ikasal, may nagtatanong na..nye!!!ano yun? automatic? hehe!

i want to share sana yung song na he made for us nung wedding namin, he surprised me and used that song as my bridal march..although di na masyado surprised kasi i know he has a song..pero di nya talaga pinarinig sa akin until nung time na rampa na ko s aisle..and i know in my heart..i had the most beautiful bridal march song in the world..of course..di ba? ginawa nya yun specially for me..

will try to ask him to record it and so i can upload it here...till next!

Thursday, June 1, 2006

love this picture!!

some photos and kwento


di naka attend isang abay namin-she was supposed to be lester's partner..sa veil,don't know what happened..so si kosh (donna) became her partner..sad to say until now di pa rin kami nagkikita at nagkakausap ni prescy.just wanna know why di sha nag appear eh s nag confirmed naman sha ng attendance...



si tere, my maid of honor was not able to march..late kasi siya! hehe..nalaman ko na wala pala sha when i was about to march na..tinawagan ko sa cel, malapit na daw sha e kaso di na pwede ma stop..tuloy tuloy na..

si carmel(standing besides rudolf) ay naku!! mas matagal pa inayusan kesa sa'kin..don't ask me why? ask her..nyahaha!!

Friday, May 19, 2006

Our Tagalog wedding vows

just sharing our wedding vows..this made me cry during the wedding and everytime i got to read this..it's the same feeling..i know God is our witness,i am so much sure of that..HIS love and the love we shared as husband and wife is so assuring.

Ang Aming Sumpaan
RUDOLF

Raquel, hawakan mo ang aking mga kamay, upang makita mo ang bawat alay nito para sa’yo.

Mga kamay na hahawak sa’yo simula sa araw ng ating pag-iisang dibdib,bilang pangako ko na mamahalin kita sa lahat ng araw ng aking buhay.

Ang mga kamay na hahawak sa’yo ng buong kagalakan sa araw na bigyan tayo ng pagpapala ng Diyos ng una nating supling at hahawak sa kanya ng buong pag-iingat sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ang mga kamay na maaring magtamo ng mga sugat sa pag-aayos ng ating tahanan para lamang guminhawa ang iyong pakiramdam.

Mga kamay na magbibigay ng buong kakayanan upang matugunan ang pangangailangan ng ating magiging pamilya, mga kamay na magaalaga at aakay sa ating mga magiging anak patungo sa landas na nais sa kanila ng ating Panginoon.

Mga kamay na mag-aalaga sa iyo sa paglipas ng panahon,at sa panahon ng pagtangis ay siyang pupunas ng mga luha sa iyong mga mata,maging ito’y luha ng kalungkutan o kagalakan.

Mga kamay na magbibigay sa’yo ng kaaliwan sa oras ng iyong karamdaman at sa mga oras na may pagkatakot sa iyong isipan.

Sa mga kamay na ito ay makakasiguro ka na may nagmamahal sa’yo at makakasama mo bilang saksi sa iyong buhay..
At sa ating sumpaan, saksi natin ang Panginoon.
RAQUEL

Rudolf, narito ang aking mga kamay masdan mo upang makita mo ang kanilang mga regalo sa’yo.

Ito ang kamay ng iyong matalik na kaibigan,na humahawak sa kamay mo ngayong araw ng ating pag-iisang dibdib habang ipinapangako ko sa’yo ang aking pagibig at pagtatalaga ng aking sarili sa lahat ng araw ng aking buhay.

Ito ang mga kamay na hahawak ng maingat at ng buong pagmamahal sa ating mga magiging anak, aaliw at magpapagaan sa kanilang kalooban sa mga oras ng karamdaman at sakit, susuporta at magpapalakas ng kanilang loob sa kanilang pag laki at magbibigay laya sa kanila sa tamang panahon.

Ito ang mga kamay na mag aalis ng iyong pagod at magbibigay sa’yo ng kaaliwan pag ikaw ay may karamdaman at makikiramay sa’yo sa panahong ika’y magdadalamhati.

Ito ang mga kamay na hahawak sa’yo ng mahigpit sa pagdaan natin sa mga pagsubok sa buhay may asawa, mga kamay na hahawak sa’yo ng may kagalakan at pag-asa,magmamahal at mag-aalaga sa’yo sa pagdaan ng bawat panahon.

Ito ang mga kamay na susuporta at mag e-encourage sa’yo para abutin ang iyong mga pangrarap.

Ito ang mga kamay na magsisislbing patunay ng aking pag-ibig bilang saksi sa iyong buhay.

At sa ating sumpaan saksi natin ang Panginoon.


Side kwento:

1. the last part was also written in our invites..we got it from 1 Samuel 21 :23.
2. sis MEC-again thank you for sharing/minsan natatawa ako sa translation namin..:)
3. for those of you wants to see an English version of this, just visit Mec's blog.
4. We have several copies of vows nung sinusulat namin to..and made several drafts too, pero eto nagustuhan namin pareho.
5. Di ko matagalog ng maayos ang "encourage"

Thursday, May 18, 2006

oh no...

it's been forever.. i miss blogging..maybe when i have all the time and sorted things out..i'll write soon..utang muna wedding kwento..haaay!!!

but for those of you guys who want to see some wedding pics, i've posted it here ;

http://photos.yahoo.com/rocks_2000_ph

bye!!!!

Tuesday, March 21, 2006

back from nueva ecija

just arrived few hours ago...nag update agad...hehe! excited ba :)

well, so happy to do some major things for the wedding..paid downpayment for the venue..medyo may kaguluhan pa kami kasi up until kanina, gisto ng parents ko sa bahay na lang talaga..tapos kami ni dolf,maghapon pa nag ikot sa cabanatuan kahapon.. we visited yung mga wedding venues..nag plano pa kami magpalit ng venue (one month before the wedding..o di ba?)budget wise..mejo may kamahalan talaga dito sa lumang bahay..pero i think worth it naman..we so love the place..super ganda ng ambiance at spacious...nalaman din ni belle na Rudolf is a church worker..eh christian din sila..so may mga favors din na dinagdag..

we went to a florist also and ask for quotes sa entourage...and here's what i got.. P2, 800 for the whole ento..i bridal, 7 PS, 6 SS, 2 FG (headdress and basket) mine is calla lilly hand tied -she will use imported calla (yellow) for the rest naman mums and roses daw gagamitin nya..free na rin yung sa car and some loose petals...

super duper busy na talaga kami..hopefully for the next 2 weeks..maayos na namin lahat ng kulang..

Saturday, March 18, 2006

33 days to go..

at talagang may mga daga na ko sa dibdib..just don't know why.. i'm excited rin as in..siguro halo-halong emotions..dami pa kasi naming dapat i-accomplished..

LICENSE- super duper due na ito..di ko nga alam bakit pina-abot ko pa to ng ganito..last tuesday..i was on leave sa work para asikasuhin ito..pagdating namin sa city hall, dami pa apal kailangan, besides the birth certificates na dapat eh latest from NSO..dolf needs to present his mom's death certficate din..nasa cavite daw yung copy..i was so disappointed nung hapon na hindi namin to natapos..ibig sabihin another day uli..

we're done with the counselling..Pastor Boying, our counselor and ninong also is leaving on the 23rd for a month mission trip..sad but we completely understand him. God bless you Pastor! we will always be your prayer partner.

INVITES- we did a sample of what we want last sunday and bought raw materials na rin sa divisoria..i think nice naman yung ginawa ko..blue and yellow ribbon ang accent nung sinamay na envelope with abaka strip na border..pero sabi ni ate, di daw bagay color-ginagawa na nila carmel..maybe matatapos na yun this week..yung inserts..ang ganda, simple lang sha..pero sabi nila kakaiba daw..hope i can post some pics here.

PRE-NUP- with J-mie (our coordinator) actual she just wants to have more pictures of us for the AVP..we ended up having pre-nup shoots sa Paco park at sa baywalk..ang ganda nung mga shots..will post it agad pag na -upload na ni j-mie..

wala pa rin kaming videographer-wala na rin naman kasi kami budget dito.iniisip ko ang mahalaga..may magkuha then pagawa ko na lang sa mga professional later..ang worry ko lang pano kung di makuha yung mga importanteng part ng wedding...anyway..may picture naman kami.

dami ko pa isipin...at konti na lang araw..ganito pala feeling ng ikakasal..KAKAIBA!

Friday, February 24, 2006

accomplishment

finally, one major accomplishment..
measurement ng gown ko at barong ni Rudolf..hehe! major na sa akin yan..at least alam ko na may sususutin kami sa wedding namin..

actually, we scheduled it last sunday but prescy was out of town pa..kanina since papunta na rin kami sa divisoria..sabi ko daan na kami dun sa mananahi..so ayun..less one isipin na rin sa amin yun..i like Rudolf's barong..ethnic daw style nun..handmade ang embroidery..tama lang sa theme namin na filipiniana..una kasi he likes chinese collar and chinese button....helloooo! e di magkaiba kami ng theme ...:) napapayag naman namin dun sa design..

we really have so much to do pa talaga...please continue praying for us..

sa lahat ng mga tumutulong sa amin..

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!!!!!

Monday, February 20, 2006

mahaba-habang post

February 20, 2006

hello everyone! (as if naman marami nagbabasa nito) super tagal ko mag-update no?aski ako minsan ayoko na bisitahin blog ko kasi la naman bago..hehe! so para naman may mabasa akong bago..eto na bgong entry..

I was super down last week...ngarag..stress...pagod..pressured..sama-sama na..sa buong isang linggo..3 beses ata kami nag-away ni dolf..but we make sure na hindi talaga nag-tatagal..thank you so much sa counselling namin with PAstor Boying every Monday night...big help talaga.

Di kami natuloy umuwi sa Nueva..di pa rin kami nakakakuha ng license (because of me) di kasi ako maka leave.iniisip ko pagsabayin na lang pag uwi namin..mas madali kasi kung dun na lang kami magpa-file..walang masyado requirements na hihingin..since sa probinsiya magkakakilala halos mga tao.. saka may friend ako na nag-wo-work dun, sabi niya puntahan ko daw siya..pero yung mga taong nakapaligid sa'min..super tanong na.."wala pa kayong license? naku! asikasuhin nyo na yan..malapit na April"..i know..i know...i know..UGH! di ba mas lalo nakaka pressure..yeah..concerned lang sila talaga.

I'm letting go of my cake design (hu!hu!hu!) I'm getting the cake na kasama sa package ng caterer..budget wise..para mas marami kami ma-invite..

last Saturday super blessing day sa amin ni dolf..natanggap na namin yung money for the cake (sana) from jerlyn..she's aware naman na will add it na lang sa reception payment..Thanks jerlyn!! YOU ARE INDEED A BLESSING!

at kasabay nun..we got the money also from Kuya Joshua for Rudolf's barong and shoes? Isn't GOD GREAT? along with the money is the note that reads like this;

Rudolf/Raquel,

Here's our personal gift for your wedding..umpisa pa lang ito..marami pang kasunod..pray for it..claim it!!!

Kuya Joshua & Ate Anne

and I know it's true.. we claimed it In Jesus Name..
this wedding will be a showcase of God's love and power..and people will glorify Him alone.

T-SHIRT PRINTING

malaki-laki na isinasakit ng ulo ko dito..hehe! pero alam kong blessing din ito ng Lord..i am confident na we will be able to finish lahat within the week...so we can go on with the wedding preps..medyo pagod na rin si rudolf kahit may mga tao..plus pine-pressure ko pa sila..this really is a step of faith,,nag start lang kami sa maliit but God wants us to venture na sa malakihang production na.

BRIDAL FAIR AND SHOES

kahapon after the service..we went to Mega mall..silip lang sa bridal fair..dami supplier, am not looking naman na for any since may mga supplier na halos kami..lumibot lang talaga. tapos we bought Rudolf's shoes na rin..susme! sumakit ang paa ko..ang tagal umikot..pero finally may nabili din siya, which i think is a good find..pasok sa budget, maganda at mukang matibay naman..thanks again kuya Josh & Ate Anne!

sige na po..gotta go na..tapos na yata lunch break..hehe!!




February 10, 2006 (Friday)

It’s 2 days after my birthday..long celebration kasi Tuesday pa lang nagcelebrate na kami with the engaged couples in the church since every first Tuesday of the month yung discipleship namin..kagabi we celebrated it sa center with the young professionals..konti lang kami but it’s ok though..I cooked “macaroni and cheese” for the first time..ni research ko pa yung recipe sa internet..of course nasarapan silang lahat..

Takot lang nila sa’kin..hehe! sa Saturday we’re planning to celebrate it with the “batang krayola” kids at maricaban…I’m repeating the macaroni plus isip na lang siguro ako ng iba pa..this birthday is so memorable coz this would be my last as a single..and memorable because of the ring..yup…2 months before our wedding and Rudolf bought me a ring..sabi ko nga sa kanya sana you asked me..”will you marry me?” hehe! and a part of the card he gave me says..”mas lalo kong natututunang lumapit sa Panginoon ng maging ganap akong responsable bilang magiging asawa mo”. Siempre super touch ako…alam ko marami pa siyang pagdadaanan..and he’s learning fast..he’s been maturing since day 1 of our being together..Praise God!

Ako naman..as a gift to myself..I bought a book and a notebook finally..matagal ko na gusto bumili ng bagong journal..kasi di nako nakakapagsulat lately because wala na ko masulatan..ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na bumili.. the book is “Help, I’m getting married” a manual for pastors, couples and wedding coordinators by Dr. Eli Javier.It’s a good book lalo na if you’re just thinking of getting married..very beneficial kasi all the basics you need in preparation..pati governement requirement and may mga sample program pa.. Ipapahiram ko sa inyo yun..carmel, tata, jerlyn at kung sino pa man jan ang nagpa-planong mgpakasal na.

WAAAAAH!!! Wala pa rin kaming marriage license..we really need to do this na. Ang problema di ako maka leave..we scheduled it again (for the nth time) on the 17th..at kahit ano mangyari itutuloy ko na ito..after naming kumuha..deretso na kami uwi ng nueva ecija..to look for the following supplier..cake..make –up artist and check again the reception venue,hopefully makapagbayad na rin kami ng downpayment at baka sakaling makatawad pa. Hehe!

Our guestlist is blowing up & up & up…from 116 nasa 159 na kami ngayon..eh ang maximum lang namin 150..better kung mas less pa..I really do not want a big wedding, I want it to be as intimate as it can be sana..i have to sit-down and discuss this with Rudolf..para malaman namin kung sino ba talaga dun yung pwede naming hindi na lang I-invite..anyway,tatay and nanay will prepare din naman sa house..haay! doble pa reception namin.

We’re really, really out on a budget na but I am TRUSTING MY GOD. Everything will be alright
.