Thursday, January 12, 2006

sari-saring kwento

Wow..it’s been a month since I updated..sensha na po sa mga nagbabasa ng blog ko,di naman sa wala ako updates but I find it hard lang talaga to write..magbasa lang ng e-mails ubos na oras ko..hehe!

Anyways…we’re really on full blast preparations na..nakakatuwa kasi Rudolf is so much involve na although lagi pa rin niyang sinasabi pag tinanong ko siya about something..”ikaw bahala mahal..mas alam mo yan..” ngek! Na-appreciate ko pa rin yung involvement niya.

Madami pa kami gagawin, we’re doing it one at a time..ayoko masyado ngaragin sarili ko sa preps baka naman come my wedding day..di nako makilala ng mga guests namin..kasi pag iisipin ko lahat ng loads ko..gusto ko na himatayin..nagkataon pa na may concert kami sa cebu on January 22..almost all of the details and work nasa akin..haay! at di ako pwede mawala kahit 1 araw sa office..hopefully after that medyo maluwag nako..I’m praying also for someone na magte-take over muna ng ministry na ipinagkatiwala sa akin ng Lord (Young Professionals/Singles) ..even just for a while..habang nagpe-prepare kami for the wedding..sana may ma-burden jan at mag offer na kunin muna..hehe! calling all the singles at LJBC!!!

I’m so overwhelmed of God’s love and blessings..share ko nga kay dolf last devotion namin,nanliliit ako sa mga blessing na tinatanggap namin at alam ko..madami pa hinanda ang Lord. I just have to trust HIM and believe that He can give us the best!

May pants na si dolf!!! Yey! Hehe..sobrang saya ba?..we bought this last Sunday sa SM Manila..for only 579.00. super love niya yung tela kasi malambot at very comfortable siya.like din niya yung fit sa kanya..ang laki na ng tinaba ni dolf..humahabol sa kin..sa sunday we're set to buy his shoes and his barong..ok na sa kanya RTW na barong..pina jusi..blessing din to kasi Kuya joshua said he will pay for it na daw(barong & shoes) o di ba? galing galing talaga ni Lord!
then, we accepted another opportunity to earn extra income for the wedding.answerd prayer din to..na bigay sa amin yung t-shirt printing ng company namin..medyo malaki siya at mako-cover na siguro yung payment sa reception namin..for all those who prayed for us..salamat talaga!

we met with jay kagabi-our photographer, although di pa kami nag down-nasa amin na yung contract..ok na sakin yung service niya..free ang pre-nup at maganda naman gawa niya.I know the Lord will give us yung pambayad sa kanya..mura na nga bigay niya sa akin kasi i've known him for quite sometime na compared dun sa iba.hopefully we could do the pre-nup sometime on march para medyo sunny na.sa parks & wildlife siguro location namin.

Dolf & I wants the best for our wedding but what we desire most is that people who will come will see God's hands working in us and glorify Him..

Wedding preparations can be so deppressing but when God is at the center of it it is very Exciting!!! yun lang muna..more on next!!!

No comments:

Post a Comment

Thank you for taking time to comment. God bless!!