~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I know this would be long..pero bear with me since this would be my last post na rin naman at saka this is a superdelayed wedding kwento and suppliers rating na rin in one.
Di na sana ako gagawa ng suppliers rating since most of my suppliers ay sa Nueva Ecija na rin pero para naman mas mafeel ko na w@wie ako, I decided to make one na.
Of course I had my wedding at less than a hundred thousand pesos, you heard it right..di ko lang talaga alam exact cost but I think a little over than 80 thousand.It’s a lot of money for me na ordinary employee lang and to my husband who only had minimal allowance from our church..it’s not every girls dream wedding,, we didn’t have even the cheapest of the well known suppliers here at W@W community..BUT IT MADE NO DIFFERENCE WITH REGARDS TO OUR HAPPINESS.I was so happy, I kept on smiling and smiling and at the end of the day..I couldn’t help but thank God for everything that has transpired specially for the LOVE that me and my husband shares, my family and the relationships we had with our guests.
So, I’d like to begin with my caterer and venue since sha yung pinakamalaki ang bayad :)
Sa Lumang Bahay Family Restaurant and Catering Services
Maharlika Hi-way, Cabanatuan City
Contact person : Belle
Peso Power :46,000.00 for 115 pax
Rating : 10+++++
Inclusions:
Centerpiece for PS and guest table
5 main course (beef,pork,chicken.vegetable and asstd seafoods)
salad bar
fresh fruits as dessert
drinks
soup
appetizer (which they served per table)
Sound System
LCD Projector/Wide Screen
Dove with decorated cage
They’re popular in Cabanatuan,and I Know God led us to them,kahit alam naming na medyo mahal talaga,others we considered kasi would have only cost us like 25t,and yung Plaza Leticia is 36T.pero no regrets talaga coz indeed they are God’s blessing.super bait ni belle,later we found out na Christian din pala sila. Nung food tasting naming nag enjoy na kami sa food, kasi akala naming di na kami makaka-kain sa wedding day,nung kasal dami pa rin naming nakain, food is overfowing,as in sobra-sobra,may naiuwi pa kmi..lahat nasarapan at nasiyahan sa food.
Venue is outdoor..garden type, ganda rin ng lighting nila at ang ganda ng tunog ng sound sytem,pang concert yung mga equipments nila kasi they also rent-out sound sytem din pala..Ang di lang naming nagustuhan ay yung location nila, later naming na realize na sobrang dinig pala yung mga cars na dumadaan since nasa hi-way nga sila..eh sa cabanatuan super daming trycicle..hala..nung ceremony may naririnig akong trycicle..hehe!
WEDDING GOWN AND BARONG
Pat & Ludy Bridal Botique
Ilaya St. Divisoria Manial
Peso power : 4,400.00
Inclusions :
Bridal Gown
Ring and Arrhae pillows
Cord
Veil
5 yards 2nd veil
Shawl
1 Barong
Rating : mine 8
Barong 10
Of course, di kasing ganda ng mga naging at ng mga magiging gowns nyo mga sis ang sa akin siempre kasi nga mura..but still I think I looked good on it, sabi nila di daw halatang mataba ako..and marami din nagandahan lalo na nalaman nila sa divi ko lang pinatahi..pina organza yata tawag dun sa tela, embroidered yung mga flowers sa bandang skirt..ok na rin naman sha for me. I’m happy with it also. But We’re super happy sa barong ni hubby,kasi sa tingin ko until now when we look at our pics, nagagandhan talaga ako sa barong nya..napahiram na nga naming yun at dami rin nagsabi na maganda for the price of 800 pesos..sha ng pumili ng design pati butones at collar.
Sa mga budgeted na B2B jan..ok naman sa divi, dami mura dun..tiyagaan nga lang.
ENTOURAGE GOWNS
I rented my SS gowns sa amin,sa Rizal Nueva Ecija, pero sila ang unang nag suot dahil pinatahi ko according to my design. Medyo may problema lang sa unang fitting, tapos rush na dahil nag fit sila 1 day before the wedding na, nagawan naman lahat ng paraan.cost is 200 per gown, na sila pa ang nag bayad..ang bait ng mga abay ko no?
Pati BARONG ng mga boys, ni rent din namin at 100 pesos each (sila din nagbayad)
FLOWER GIRLS (2 gowns)
Made by my ATE RINA
Peso Power : 300.00
Rating 10+ 0f course
I bought the satin tela sa divisoria at 50 pesos per yard. 5 yards of blue satin and 1 yard for the yellow accent. Free ang labor.Mas maganda pa kesa sa mga pinatahi naming pang abay.
FLOWERS (Entourage & Ceremony set-up)
Danny’s Flowershop
Public Market / Cabanatuan City
Peso Power : 4,000 + (di ko na masyado matandaan)
Inclusions:
My bouquet
5 for SS
5 for PS
flowers for gazebo and aisle
Rating : 8
Ok na sana kaso lang di naman nasunod napag-usapan namin, siguro kasi we booked him,few days before the wedding na lang.yung bouquet ko yellow calla lilies, a dozen yata,ganda na sana kaso ang haba nung stem, natatawa ako pag nakikita ko picture..tappos yung flower sa aisle di rin masyado maganda, kung kaya lang powers ko talaga..ako na sana gagawa nito, since I knew naman a bit of flower arrangement specially kung calla at mga siasta lang..at medyo madami na rin ako nagawng ganito (church and school activities) I know how mura the flowers can be lalo na sa amin kaya lang ako yung bride eh..
PHOTOGRAPHER
Alpuerto Creative Photography
Valenzuela,Metro Manila
Contact Number : 09198653614
Peso Power : 4,000 (service only unlimited shots)
Rating: 10+
Super bait din nito at super mura ng charge nya sa akin,.di sha nag charge ng OOT fee. Ganda ng mga shots nya, di ko na nga lang na post.Since service lang kinuha ko..papagawa ko pa album sa kaniya..at mind you mura lang din quote nya sa akin, actually he quoted 15t before for my wedding eto ang mga kasama 8x11 magnetic album, unlimited shots, 1 blow –up 12x14 yata ang size, 1 signature frame or guest book, free pa ang pre nup..di lang din kinaya ng powers naming ang 15t..pero super thankful kami kasi nakuha pa rin naming siya..again, para sa mga budgeted wedding,I will definitely recommend him, sabihin nyo lang ni refer kayo ni Raquel, although nagtaas na yata sha ng rate pero di pa rin ganun kamahal compared sa mga may names na..One proof na maganada kuha nya, he won a photo contest last November at na publish sa Manila Bulletin..
VIDEOGRAPHER
Alivia Photo&Video
Rizal, Nueva Ecija
Peso Power : 3,000.00
Rating : 3
In the first place, wala talaga ako balak mag hire ng videographer,,di ko lang alam bakit ni hire ko sila,siguro kasi kumpare ng tatay ko may-ari at nung nabalitaan na magpapakasal ang kumpare niya (u know how it is sa probinisiya) lagi pumupunta sa bahay, so sige na nga..kinuha na rin namin, true enough,tawa ako ng tawa nung na receive ko yung video (DVD format) halatang may director which happens to be ung anak ng kumpare ng tatay ko..wala sa video yung mga ibang mahalagang speech like my sis..
At sobrang halatang halata ang mga cuts, ang nakakatuwa pa yung bridal march ko na kinakanta ni hubby (which he composed for our wedding) nawala sa video!!!at pinalitan ng di ko alam kung anong love song..tapos nung hinihingi ko yung original na kuha nila (balak ko ipagawa sa iba pag nagka budget) wla na daw at napatungan na..nyeee! ang saya di ba..kahit sabihin pa na kasi 3thou lang naman..nanghinayang pa rin ako sa binayad ko sa kanila.
RINGS
C/o ATE WENG
Rating 9
My eldest sis use to work sa jewelry store so she knew a lot of supplier na mura lang, nag share kami sa gastos sa ring,di rin siya ganun kamahal.ang design ay ordinary lang,18K yellow & white gold combination. I still love it kasi part of it ay gift from my sis.although meron ako talagng dream wedding ring na siguro ay sa silver anniversary na lang namin..hehe!
CAKE
Cakeland
Kapitan pepe Subd. Cabanatuan City
Peso Power ; 4,000 pesos
Rating :10
Nung nasa cabanatuan pa ko nag wo-work, we used to buy cakes and sweets here at masarap talaga..so I decide to buy the cake from them. Akala ko mahal ang wedding cake sa kanila, nagulat ako na mas mahal pa sa N.E at sa ibang bakeshop sa Cabanatuan. 7 piece yta yung cake ko, di naman ako masyad mahilig sa cake so ang kinain ko lang talaga ay nung cake ceremony, pero sabi ng friends ko from Manila, na masarap daw at madami. This was a gift to us so di rin kami gumastos.
SHOES
Mine ( Rossana Pena) Landmark
Peso Power : 300 yta(am not so sure) pero not more than 400
Rating: 10
It was a steal talaga, it’s a bridal shoes originally priced at 1,100 pesos. Nag sale sila nung una at 700 pesos..nung bibili na ako ng shoes ko, sale sila uli ths time at a much lower price,ang kaso yung kasya sa akin madudumi lahat, kaya pala sale na nila, sabi nung saleslady,size 8 nalang malinis at maganda pa..pero alam ko it’s too big for me, pero nag request din ako ng size 8, when I tried it on maluwag siempre, binigyan ako ng cork ba tawag dun..ayun..fit na,so I bought it na..nung wedding day, super comfortable ng paa ko,di sumakit at di rin maluwag..as in parang size ko lang..nagamit ko pa uli sha for a friends wedding..talk about tipid tips
His Shoes :
SM (megamall) nakalimutan ko brand
Peso Power : 900 pesos
Mas matagal pa kami naghanap ng shoes niya kesa sakin..as in super mabusisi at mapili siya.Original price ng shoes nya ay 1800 pesos, pero wise kami..bumili din kami nung sale at half the price ang natipid naming.Ganda rin ng shoes niya,di sumakit ang paa niya at comfortable nya, ginagamit nga nya every Sunday sa church until I lost it..naiwan ko sa taxi..haay..can u imagine my depression nung nawala ko yun..to think it was his wedding shoes..ayun…utang ko pa tuloy ngayon yun sa kanya.
ACCESSORIES :
Rating : 10 (kasi lahat naman to kahit papano nakatulong sa ayos ko except the brooch)
Necklace & Earrings : Landmark
Peso Power : 200+ pesos
Just to complete my filipiniana ek-ek look, I bought a simple pearl necklace with earrings..yung necklace buhay pa, yung earrings wala na..
Hairpiece : Public Market,Cabanatuan City
Peso Power : 100 pesos
Binili ko ito 2 days before my wedding,naisip ko lang wala ako mailalagay sa hair ko,at dahil gusto ko yung may mga pearl din..ok na ito.
Brooch:
SM Makati
Peso Power : 180.00
Di ko nagamit dahil nasa sasakyan palng ako..nasira na..waste of money, although maganda sana effect nya dun sa shawl..syang talaga..ginamitan ko nalang ng pin..
HAIR & MAKE UP
By my very talented ATE RINA also
Rating 10+++++
Actually, nasa budget naman naming ito, dahil I want to look beautiful naman siempre sa wedding ko, dahil alam ko makikita ko yun sa pictures for the rest of my married life..pero my ate insisted, wag na at siya na alng daw,dahil di ako tiwala, we did trial of hair and the make up, we took pictures..at ayun! Nagustuhan naming..kaya sabi ko..sige ikaw na lang..nakatipid uli kami di ba? Mas maganda pa ginawa niya nung kasal ko na mismo..iba talaga ang pamilya! Siya an rin nag ayos sa ibang Secondary sponsors, sa flower girls at sa nanay ko..I really can’t tahnk enoughthe Lord for giving me such a loving family.
SOUVENIRS
DIY by a group of friends
Rating 10+++++++
Madugo ang nagging pag-gawa nila ditto..as in, kumuha sila ng mga bato sa 1 ilog sa Gabaldon, Nueva Ecija na lagi naming pinupuntahan noon,3 years ago kasi, we gathered also some rocks, inayusan ng cousin/friend ko na parang pangdisplay, may mga damo siyang nilagay, at small pens at ska nilagyan niya ng verse,it ended up so beautiful..sabi ko when I get married ganyan souvenir ko, gusto ko gawa nila at galling don ang mga gagamitin. Ayun, tinupad naman nila.they made like 70 pieces of it,, baka makapag post ako ng picture sa blog ko soon,u take a look at pag gusto nyo pagawa ..order lang kayo..hehe! nagbibiruan nga kmi na baka pwede na kami mag start ng business na ganito..i am so delighted about this kasi memorable sa akin yung place, so our souvenir was a bit of me talaga.
INVITATIONS
DIY by yours truly at ni hubby
Rating : 10++++++
Love your own din ako..medyo may kahirapn din gawin, masakit mapatakan ng glue..at napuyat kami sa pag gawa nung sinamay na envelope..pero sulit ang pagod,kasi lath ng bigyan ko ng invites naming, maganda ang naririnig ko, yung officemate ko nga,yun na daw ang so far ang pinakamaganda niyang invitation na natanggap. Yung pinaka envelope niya lahat ng materials binili naming sa divisoria, sinamay, banig strips at wooden flower.yung gastos ay sagot ng 1 ko pang friend.
Other Gastos of ours was the gift for our parents and other things na nakalimutan ko na how much..basta di siya umabot ng hundred thousand pesos.
So you see, it’s still possible to have a beautiful and wonderful wedding kahit konti lang budget mo..nasa inyo naman yan actually, pero kung di ka masaya kung di mo magiging supplier si Sugarbox, or si Veluz, or si Paul Vincent or si Josiahs..at kung sino-sino pang sikat na supplier..di talaga possible.
Wedding is not about how grand or how expensive it can be. It’s about you and your partner and about HIM, the source of everything..lalo na our happiness.
Have to bid you all goodbye now..I honestly enjoyed my stay here,learned a lot of things and gained some friends too..
Ms. Benz and John..thank you, akala ko nung una pang mayaman lang ang W@w, that’s why I seldom post..di naman pala..everyone can have their place here.thank you for putting up such great site. God bless you!
I’m moving on to N@W!!!!
And May God bless everyone!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So funny that I only got to post this now :) after 3 years?
natuwa naman ako dito sa wedding anniversary post mo at talagang detalyadong-detalyado ha.parang gusto ko yung handmade na souvenir. i did one for my sister's wedding too before and yes you're right, di talaga biro si Mr. Glue pag dumikit sa daliri mo, arayyyyy ang sakit! LOL!
ReplyDeleteBelated Happy Anniversary. :) Kaaliw din mag reminisce.
ReplyDeleteBTW, I also love the cakes from cakeland... pasalubong lagi ng inlaws ko from NE. :)
Ate, hindi man po kita kilala pero nbasa ko po itong blog nio at sobra po akong nbless. Binigay ko rin po sa friend ko itong blog site nio and she told me n twice niang binasa tong blog nio kc nagandahan xa. ^_^
ReplyDeleteGod bless po.
jaeza - azeaj_cute@yahoo.com