Saturday, August 13, 2011

personal


Sa totoo lang natatakot akong magsulat kapag ako ay malungkot o nagagalit. Alam ko na ang sobrang emosyon ay maaring hindi maganda kapag naisulat na at sa bandang huli maari natin itong pagsisihan.Nangyari na ito sa akin sa isa ko pang personal na blog noong taong 2008. Ayoko man pero wala akong nagawa kundi i delete ang partikular na entry na yun. Pero dahil ako ay isang ma sentimyentong tao, siempre nagtago ako ng kopya.

Pero sa mga taong walang pwedeng ibang paglabasan ng matinding nararamdaman (lungkot man o kaligayahan, galit o katuwaan) kundi ang pagsusulat, ano kaya ang kanilang magagawa? ano ang pwedeng alternatibo?

Ako, mas minabuti ko na lang maglaro..

diamond dash
bejeweled blitz..

at kung ano ano pa...

pero humantong pa rin ako sa post na ito. Ganun pa man, wala naman akong balak na ito ay pakahabaan at baka hindi ko mapigilang ma isulat ang aking nasa kalooban.

Mas mabuti pa siguro, balikan ko na lang ang diamond dash.

1 comment:

  1. They say that artistic people are very emotional. They turn to their art when faced with intense feelings. I guess there's nothing wrong in letting it out in writing just as long as you don't write direct foul words to certain people. Hey, everyone needs an outlet once in a while just to let the steam out.

    www.orangesenorita.com

    ReplyDelete

Thank you for taking time to comment. God bless!!