Tuesday, September 14, 2010

Happy Birthday Mahal!!

Happy Birthday mahal, And as a gift to you today- I am renewing the vows I made to the Lord and to you on our wedding day. I want you to know that it will be forever true to my heart! Love you so much!

*~*
Rudolf, 

Narito ang aking mga kamay masdan mo upang makita mo ang kanilang mga regalo sa’yo. 

Ito ang kamay ng iyong matalik na kaibigan,na humahawak sa kamay mo ngayong araw ng ating pag-iisang dibdib habang ipinapangako ko sa’yo ang aking pagibig at pagtatalaga ng aking sarili sa lahat ng araw ng aking buhay.

Ito ang mga kamay na hahawak ng maingat at ng buong pagmamahal sa ating mga magiging anak, aaliw at magpapagaan sa kanilang kalooban sa mga oras ng karamdaman at sakit, susuporta at magpapalakas ng kanilang loob sa kanilang pag laki at magbibigay laya sa kanila sa tamang panahon.

Ito ang mga kamay na mag aalis ng iyong pagod at magbibigay sa’yo ng kaaliwan pag ikaw ay may karamdaman at makikiramay sa’yo sa panahong ika’y magdadalamhati.

Ito ang mga kamay na hahawak sa’yo ng mahigpit sa pagdaan natin sa mga pagsubok sa buhay may asawa, mga kamay na hahawak sa’yo ng may kagalakan at pag-asa,magmamahal at mag-aalaga sa’yo sa pagdaan ng bawat panahon.

Ito ang mga kamay na susuporta at mag e-encourage sa’yo para abutin ang iyong mga panaginip.

Ito ang mga kamay na magsisislbing patunay ng aking pag-ibig bilang saksi sa iyong buhay.

At sa ating sumpaan saksi natin ang Panginoon.

2 comments:

  1. happy birthday kay rudolf :) we wish him good health and more blessings. hope to see you again soon sis !!! mwah.

    ReplyDelete

Thank you for taking time to comment. God bless!!